Pagkatapos ng Malubhang sigalot trailer

Pastor Steven L Anderson

Video

March 25, 2015

Ika-11 (labing-isa) ng Setyembre taong 2001 (dalawang libo’t isa). Biglang nagbago ang mundo. Ang “Bansang Mapayapa’t Malaya” ay naging isang bansa ng mga alipin. Ang Estados Unidos, nung una ay isang maluwalhating bansa, ngayon ay ipinagpalit ang kanilang kalayaan sa isang mahigpit na seguridad. Ngunit ito ba’y nangyari dahil sa isang panukala?

“Ika-7 (pito) ng Disyembre taong 1941 (labing siyam na raan apat na pu’t isa), ang araw na nabuhay tayo na dulot ng labis na kasamaan. Ang Estados Unidos ng bansang Amerika ay biglaang at sinadyang inatake.”

Maraming katanungan ang bumabagabag sa mga nangyari sa araw na iyon – na ang araw na dulot ng labis na kasamaan. Ngunit isang bagay lamang ang tiyak na alam natin: ang biglaang pagatake sa Pearl Harbor ay hudyat ng pagsisimula ng isang paraan na patungo sa isang pandaigdigang gobyerno.

“Sinimulan ng bansang Hapon ang digmaan ng panlilinlang. Tatapusin natin ito na matagumpay.”

Ang resulta ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II), ay ang paglikha ng United Nations, at ang daan patungo sa isang pandaigdigang gobyerno ay napabilis. Bawat digmaan ay nagdadala sa atin ng hakbang palapit na ayon sa Biblya “ang Paggunaw ng Mundo (the End of the World).” Nagtatayo ng mga checkpoints sa iba’t ibang dako; ang mga pulis ay maghigpit sa mga tao ng Estados Unidos, at sa mga nakakaintindi ng propesiyang biblikal, ay hindi nagtataka kung ano ang susunod na mangyayari.

At sa hinaharap, ang King James Bible, ay nagsabi na ang lahat ng mga tao sa mundong ito ay kinakaylangang tumanggap ng tatak upang makapagbili o makapagbenta. Sa pagbagsak ng kasalukuyang sistema ng ekonomiya, at sa pagunlad ng ating teknolohiya, ang mga pera natin ay magiging isang bagay ng nakalipas. Ang katotohan ay ang isang lipunang cashless ay hindi kalayuan na mangyari. Sa katunayan, ito ay ipinapatupad na. Sa kabila ng mga pagtatanggi ng mga pinuno ng relihiyon, ang mga masasamang tao ay nagtatrabaho buong araw para sa isang New World Order. Nakikita na natin na ang katapusan ay pabilis ng pabilis at palapit ng palapit, at ang paghahanda sa pagkakatakda para sa paglitaw ng antikristo. Naririnig na natin ang mga boses ng mga gustong pasamain ang ating US Konstitusiyon at magtatag ng pandaigdigang sistema ng pamahalaan.

“…isang new world order…”

At sa lahat na naaangkop dito, ang pelikulang ito ay napakamahalaga sa lahat. Si Satanas ay nagtatrabaho sa likod ng mga pangyayari para magtayo ng isang pandaigdigang pamahalaan at isang pandaigdigang relihiyon sa paghahanda sa antikristo. Nilinlang rin niya ang mga makabagong Kristiyanong ebanghelikal sa paniniwalang na sila ay aalisin sa mundong ito bago maganap ang Malaking Paghihirap. Ang paniniwalang ito, na kilala bilang “pre-tribulation rapture”, ito ay nagtuturo na si Kristo ay maaaring bumalik sa anumang sandali, at walang anumang palatandaan ang kanyang pagdating. Ang bunga ay panlilinlang, karamihan sa mga Kristiyano ay hindi nakahanda ng lubusan na kung ano ang sinasabi sa Bibliya na mga babala sa kanyang pagdating. Bagama’t malinaw na sinabi sa banal na kasulatan sa Mateo 24 (dalawampu’t apat), at sa iba pa, na ang masidhing kagalakan (rapture) ay magaganap PAGKATAPOS NG MALUBHANG SIGALOT (AFTER THE TRIBULATION), sikat na mangangaral, Bible Colleges, at mga sikat na pelikula tulad ng Left Behind ay nagtuturo sa lahat ng masa na aasahan na ang masidhing kagalakan (rapture) maaaring maganap anumang sandali. At dahil karamihan sa mga Kristiyano ay hindi nila binabasa ang buong Bibliya sa kanilang sarili, kakaunti lang ang may alam na ang pre-trib rapture ay isang panlilinlang na hindi makikita sa banal na kasulatan. Ngunit kung ang pre-tribulation rapture ay hindi makikita sa banal na kasulatan, saan nanggaling ito?

 

 

 

mouseover