Marching to Zion - Pelikula Trailer sa Tagalog

Video

March 23, 2015

Mahigit apat na libong taon na ang nakalipas, nagpakita ang Diyos kay Abraham sa Mesapotamia at nagsabi sa kaniya, “Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo: At gagawin kitang isang malaking bansa” Sinunod ni Abraham ang Panginoon at nagpunta sa Canaan na lupang pangako kung saan siya’y namuhay kasama ang kaniyang anak na si Isaak at kaniyang apo na si Jakob, na sa huli ay pinangalanang Israel.

Si Israel at ang kaniyang labindalawang anak ay nagpunta pababa sa Egypto dahil sa taggutom sa lupain ng Canaan, at doon sila’y dumami bilang malakas na bayan. Nadama ng mga Ehipto ang pagkatakot sa makapangyarihang bayan ng Israel na namumuhay kasama nila, kaya kanilang inalipin sila at ginawang mapait ang kanilang buhay sa pamamagitan ng matinding pagkaalipin. Pagkatapos ng 430 taon sa Ehipto, sila’y ginabayan paalis mula sa pagkaalipin sa pamamagitan ni Moses, pagkatapos tumawid sa Pulang Dagat at nagpunta sa Arabia, kung saan kanilang tinanggap ang batas ng Diyos sa bundok ng Sinai.

Ang henerasyon ng mga Israelita na inawan ang Ehipto kasama ni Moses ay hindi pinayagang makapasok sa lupang ipinangako dahil sa kanilang kakulangan ng pananampalataya sa Panginoon. Silay napilitang maggala sa ilang ng 40 taon hanggang sa may tumindig na bagong henerasyon na nagtiwala sa Panginoon at nakapasok sa lupang pangako kasama ni josue.

Kulang-kulang 400 taon, and labindalawang (12) angkan ni Israel ay pinamunuan ng mga hukom sang-ayon sa batas ni Moses. Nang kanilang naisin na magkaroon ng Hari katulad ng lahat ng ibang mga bansa, itinalaga ng Diyos si Saulo upang maging kanilang hari, na naghari sa kanila ng 40 taon, sinundan ni haring David na naghari ng 40 taon, at ang anak ni David na si Solomon na naghari ng 40 taon. Sa paghahari ni Solomon, ang kaharian ng Israel ay nasa kaniyang pinaka maluwalhati, at ang unang Templo ay natayo, ngunit dahil ang puso si Solomon ay nalayo sa Panginoon sa kaniyang katandaan, sinabi ng Diyos sa kaniya na sampu (10) ng angkan ay hindi paghaharian ng kaniyang anak.

Pagkatapos ng kamatayan ni Solomon, ang kaharian ng Israel ay nahati, at ang sampung angkan sa hilaga ay pinamunuan ng hanay ng masamang mga hari, na hindi nagmula kay David at Solomon. Itong kaharian sa hilaga ay pinanatili ang pangalang Israel at kalaunan ay natamo ang Samaria bilang kaniyang pangunahing lungsod. Ang mas maliit na angkan sa timog ay naging kilala bilang Judea, at ang Jerusalem bilang kaniyang pangunahing lungsod, at pinagharian ng mga inapo ni David. Simula 2 hari 16, ang mga mamayan ng hilagang kaharian ay naging kilala bilang mga “Hudyo” alinsunod sa pangalan ng kaharian ng Juda.

Dahil sa kasamaan ng hilagang kaharian ng Israel, sila’y itinapos at kinuhang bihag ng mga taga Assyria. Ang mga Israelita na nanatili ay naging kahalo sa mga Heteong mga bayan na pumasok at inukupahan ang lupain. Ang mga taong ito ay naging kilala bilang mga Samaritano, at ang 10 angkan ng hilagang Israel ay hindi na muling naging nayon.

ang kaharian ng Huda sa timog ay kukuning bihag sa Babylonia sa huli bilang kaparusahan sa paglilingkod sa ibang diyos, at ang Templo ay nasira, ngunit makalipas ang 70 taon, ang mga Hudyo ay nagkabalik sa Juda, muling itinayo ang Templo sa Jerusalem, at nanatiling pinamunuan ng mga hari na nagmula kay David.

Nang panahon ni Kristo, ang bayan ng Juda ay naging kilala bilang Judea at napasailalim ng pamumuno ng Roma. Si Kristo Hesus at ang kaniyang mga tagasunod ay ipinangaral ang ebanghelyo sa buong Judea hinahanap ang mga nawalang tupa sa angkan ni Israel. Matapos ang tatlo’t kalahating taon ng ministeryo, ang mga Hudyo ay itinanggi si Hesus bilang kanilang Mesiyas at pinaniwala ang governador ng Roma upang ipako siya. Makalipas and tatlong araw, siya ay nagbangon mula sa mga patay at ipinakita ang kaniyang sarili na buhay sa kaniyang mga tagasunod bago umakyat sa kanang kamay ng Ama sa Langit.

Saglit bago napako si Jesus, inihula niya na bilang kaparusahan sa pagtanggi sa kanya, ang Jerusalem ay masusunog, ang templo ay masisira, at ang mga hudyo ay malalayong bihag sa lahat ng mga bansa. Ang hulang ito ay natupad noong A.D 70 nang ang darating na Emperor ng Romang si Tito ay sinakop ang Jerusalem. Mahigit 1800 na taon, ang mga Hudyo ay nanatiling nagkalat sa lahat ng bansa.

Pagkaapos, noong 1948 ang imposible ay nangyari. Ang Estado ng Israel ay natatag, at ang mga Hudyo’y muling nakamtan ang lupang ipinangako. Maraming Kristiano ang nagsabing ito ay himala at pagpapala mula sa Diyos, ngunit pagpapala nga ba talaga ito ng Panginoon, o ang mga pwersa ng kadiliman ang may gawa? Ang kasagutan ay nasa pelikulang ito.

 

 

 

mouseover